Skip content

Pag-access

Ang ClassDojo ay nakatuon sa digital na pag-access, pagkakaiba-iba at pagkakabilang. Naniniwala kami na dapat magawang gamitin ng bawat miyembro ng aming komunidad ang ClassDojo nang pantay-pantay. Gumagamit ka man ng mga pantulong na teknolohiya tulad ng screen reader, magnifier, at/o software sa pagkilala ng boses o teknolohiyang switch, nagsusumikap kaming tiyakin ang iyong madaling pag-access sa aming mga serbisyo.

Upang maisakatuparan ito, nakipagtulungan kami sa eSSENTIAL Accessibility upang pangasiwaan ang aming programa sa pag-access at tingnan ang pamamahala nito. Ang programa ng pag-access na ito ay sinusuri nang tuloy-tuloy ang aming mga digital na produkto alinsunod sa pinakamahuhusay na gawi at sinusuportahan ito ng magkakaibang team ng propesyonal sa pag-aaccess, kabilang ang mga user ng pantulong na teknolohiya. Ang Platform, bukod pa rito, ay hinihigitan ang mga boluntaryong pamantayan sa pamamagitan ng paggawa ng pantulong na aplikasyon ng teknolohiyang CX na available sa mga kostumer na nahihirapan mag-type, kumumpas, gumalaw ng mouse, o magbasa. Ang aplikasyon ay libreng i-download, at isinasama nito ang mga tool tulad ng paggamit ng mouse at pagpapalit ng mga keyboard, pagkilala ng boses, pagpapagana ng pagsasalita, at hindi hinahawakan/hindi hinahaplos na nabigasyon at marami pang iba.

Pakitandaan na ang aming website ay maaaring ma-link sa, o ma-interface sa, mga ikatlong-partidong site na hindi namin kinokontrol, at hindi direktang nakaanib sa ClassDojo  Ang mga ikatlong-partidong vendor na ito ay maaaring hindi gumawa ng mga parehong pagsisikap na dapat ay iayon ng ClassDojo sa mga boluntaryong pamantayan ng WCAG. Dahil dito, ang ClassDojo ay hindi gumagawa ng mga representasyon tungkol sa kakayahang mag-access ng mga ikatlong-partidong site. Bilang karagdagan, ang mga ikatlong -partidong vendor ay nagbibigay ng ilang nilalaman, plugin at widget sa aming mga Website. Habang hinihiling namin sa mga ikatlong-partidong vendor na tiyakin ang kakayahang ma-access, hindi namin matitiyak ang kanilang pagkakaayon, ngunit nangangako sa patuloy na pakikipagtulungan sa kanila upang matiyak na ang mga pag-update ay palaging ginagawa upang mapabuti ang karanasan ng kostumer para sa lahat.

Gusto naming makarinig mula sa iyo kapag ikaw ay naharap sa anumang mga hadlang sa pag-access sa aming digital na ari-arian. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming Suportang Pangkostumer sa hello@classdojo.com at kami ay masayang tutulong sa iyo.